TV

My Love from the Star: The Kilig Throwback

By EUNICIA MEDIODIA

Huwag palampasin ang The Kilig Throwback ng My Love from the Star every Sunday para masaksihan muli ang mga matitinding pasabog at paborito ninyong eksena ngayong linggo!



Breaking News: Steffi Cheon’s accident

Hindi pa rin tumitigil si Jackson sa pagpapahirap kay Steffi, kahit na may kasunduan na sila ni Matteo na hindi idadamay si Steffi. Ano pa kaya ang panganib na naghihintay kay Steffi? Maililigtas pa kaya siya ni Matteo sa lahat ng ito?



A taste of Matteo’s anger

Inako ni Matteo ang kasalanan ni Jackson para tigilan na nito si Steffi. Nakarating kay Matteo ang balitang nasa kritikal na kondisyon si Steffi. Dali-dali niyang pinuntahan si Jackson sa opisina nito. Ginamit niya ang kanyang teleportation powers para madala si Jackson sa isang building kung saan nais niya itong ihulog.

Balak ni Matteo na iparamdam kay Jackson ang ginawa nitong pananakit kay Steffi. Matuloy kaya ang balak na ito ni Matteo? Magpapatalo kaya siya sa matinding galit niya? Sino sa dalawa ang mapapahamak?



Steffi Cheon reunites with her father

Dahil sa nangyari kay Steffi, nagkaroon ng lakas ng loob ang kanyang ama na magpakita sa kanila. Hindi talaga matitiis ng magulang ang kanyang anak.

Nagulat ang ina ni Steffi pati ang kapatid niya sa pagbabalik ng ama. Matutulungan kaya si Steffi ng kanyang ama sa kinahaharap nitong problema? Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nila?



Matteo Do’s deleted message to Steffi Cheon

Hindi na rin maitago ni Matteo ang kanyang tunay na nararamdaman kay Steffi. Binalaan niya na rin si Jackson kung patuloy pa nito sasaktan ang dalaga. Nag-aalala na rin si Matteo, ngunit hindi pa rin niya masabi kay Steffi na gusto niya rin ito.

Kinuha ni Matteo ang kanyang cellphone to send a message to Steffi. Nagdalawang-isip siya. Huli na pala dahil na-send niya na ang message. Ano kaya ang message ni Matteo para kay Steffi? Makita kaya ito ng babaeng pinaka mamahal niya?



Winston and Steffi together?

Dahil sa pagligtas ni Winston sa buhay ni Steffi, mapapayag na kaya nitong magpakasal si Steffi sa kanya? Balitang-balita ang heroic gesture ni Winston sa pagsagip kay Steffi. Nabalita na rin ang pagpapakasal nila. Makakapayag ba si Matteo rito? Mababawi pa kaya niya si Steffi kay Winston?

Balikan natin ang laging nagti-trending worldwide at ang mga eksenang nagpakilig, nagpatawa at nagpa-iyak sa atin ngayong Linggo!

Marami pang matitinding pasabog at maiinit na eksena ang naghihintay sa ‘My Love from the Star’ pagkatapos ng 'Jewel in the Palace' kaya huwag bibitiw!

Join the twitter party this Sunday using #mlftsfever.