TV

The big stars greet Ryzza on her birthday

By MARY LOUISE LIGUNAS



Sa ninth birthday ni Ryzza Mae Dizon, maraming mga bumisita o nagpadala ng kanilang mga greetings para kay Aling Maliit.

Ano ang masasabi ng mga ka-Dabrkads, mga kaibigan at naging guest ng youngest talk show host on television para at tungkol sa ating birthday celebrant?

Dabarkads

“Alam namin na nasa ‘yo na ang lahat-lahat ng toys na gusto mo at maraming may mahal sa 'yo na tao. Ang wish lang namin sana good health palagi, saka sana tumangkad ka na.” — Pauleen Luna

“Happy birthday, Ryzza. Ikaw na yata ang pinakamaliit na nagbibigay ng pinakamalaking fun at smile sa buong sambayanan kaya Ryzza, lagi ka magpapakabait at lagi ka mag-pe-pray at mag-te-thank kay God for all your blessings. We love you!” — Pia Guanio

“Happy birthday, Ryz. Alam mo ikaw Ryzza, sa lahat ng bata, kahit maliit ka, ikaw 'yung pinaka may malaking puso. Happy birthday, love you.” — Keempee de Leon

“Happy birthday. Sana lagi kang ganyan, lagi kang mabait. Sana kung maari lang wag ka na lumaki eh, pero hindi puwede. We love you, God bless.” — Jimmy Santos

“Happy birthday ha! Saka maraming salamat dahil hindi lang kami ang napapasaya mo kung hindi lahat ng nanonood sayo. Maraming marami silang natututunan at marami kang napapangiti. God bless you and grow up to be a good woman.” — Julia Clarete

“Ako ang wish ko, isa lang. Sana humaba na 'yang leeg mo.” — Ruby Rodriguez

Kapuso actresses

“Hi Ryzza, happy happy birthday. Sana happy ka sa special day mo. Sana makuha mo lahat ng wish mo this year. Sana makasama kita ulit.” — Rhian Ramos

“Si Aling Maliit ay isang napaka-husay na host. Makulit, masayahin, matalino at cute na cute. Happy birthday!” — Carla Abellana

“Best wishes. Pagpatuloy mo lang yang mga ginagawa mo. Ang galing galing mo. May all your wishes come true. So God bless you and have fun on your birthday.” — Sarah Lahbati

Veteran actresses

“Para sa akin, Ryzza is such an intelligent host. Wish ko sa 'yo na sana magkaroon ka din ng stage play kasi napaka-galing mong artista. Love you, salamat, take care always, be good always.” — Pinky Amador

“Isang napakatalinong bata. Bilib na bilib ako. Para talaga siyang Aling Maliit dahil ang laki ng isip. Happy birthday Ryzza Mae.” — Rita Avila

“Ryzza, don't change. It's a God-given gift, what you have now. Take good care of it. 'Wag lumaki ang ulo. Happy birthday!” — Caridad Sanchez 

“Manatili kang mabait na bata, maka-Diyos, masaya, mapagmahal. Love you.” — Luz Fernandez

Para malaman kung sinong mga bigating personalidad ang susunod na pasasayahin si Aling Maliit, manood ng The Ryzza Mae Show, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Basta Every Day Happy.