TV

Linggo ng paghihinagpis at happy ending sa GMA Afternoon Prime

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Pinaghalong damdamin ang bumalot ngayong linggo sa inyong paboritong GMA Afternoon Prime soaps na The Half Sisters at Innamorata.
 
The Half Sisters
 


Matagal nang gusto ni Ashley si Bradly pero mukhang hindi niya ito mapapa-ibig dahil kay Diana. Napansin niya kasing naging malapit ang kapatid sa binata. Bukod pa rito, nararamdaman niyang nagkakamabutihan na ang dalawa. Dahil dito, isinumbong ni Ashley ang kapatid sa ama at pinalayas ito. Walang nagawa ang kanilang ina na si Rina kaya’t umalis si Diana na walang dalang gamit at walang patutunguan. Buti na lamang ay to the rescue ang kanyang mga kaibigang sina Bradly at Baste.
 
Hanggang kailan kaya magiging malupit sina Ashley at Alfred kay Diana?
 
Innamorata
 



Sa wakas ay natuloy na ang pagpapakasal ni Esperanza ngunit hindi sa lalaking inaasahan ng lahat. Hindi pala sang-ayon ang tadhana noon kaya’t hindi matuluy-tuloy ang kasal nila ni Edwin. Pero ngayong ang nararapat na lalaki na ang humarap sa altar kasama niya, natuloy na rin ang kasal. Ang lalaking nakatuluyan niya ay walang iba kundi ang kanyang kaibigan na si Dencio.
 
Samantala, si Edwin naman ay may nakilalang babae na nagngangalang Hope. Siya na ba ang para kay Edwin?