TV

Kapit mga Kapuso sa huling linggo ng 'Kambal Sirena'

By MICHELLE CALIGAN



Nasubaybayan natin ang makulay na kuwento nina Alona at Perlas, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kanila, kasama na ang mga lalakeng inibig nila, sina Kevin at Jun. Sa pagtatapos ng sirenaseryeng napamahal na sa atin, malalaman na natin kung isang happy ending ba ang naghihintay sa kambal, at kung may katapusan ba ang kasamaan ng mga taong gusto silang saktan.
 
Narito ang ilan sa mga dapat abangan sa huling linggo ng Kambal Sirena:
 
Ang double wedding nina Perlas at Kevin at Alona at Jun
 
Naudlot ang naunang kasal ng kambal dahil sa pagsalakay nina Homer at Macy. Sa gitna ng kaguluhan ay nabaril ni Alona si Macy, at agad naman itong nalagutan ng hininga. Hinabol naman ni Kevin si Homer, at nahuli rin naman ito ng mga pulis. Matuloy na kaya ang happily ever after ng mga bida pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila?
 
Ang pagligtas kay Alona
 
Natanggal ang bracelet ni Alona sa gitna ng kaguluhan sa kasal, kaya bumalik siya sa pagiging anyong sirena. Dahil siya ang nakabaril kay Macy, hinuli si Alona ng mga pulis, pero sa halip na ikulong ay dinala siya sa isang facility kung saan posible siyang pag-eksperimentuhan. Hindi alam ng kanyang pamilya kung paano siya hahanapin. Maagapan kaya si Alona bago pa may masamang mangyari sa kanya?
 
Ang mangyayari sa Sirenadia
 
Tuluyan na kayang lilisanin ni Alona ang Sirenadia kapalit ng buhay niya sa piling ni Jun? Ano na ang mangyayari sa kaharian ng mga sirena? Kabutihan kaya ang maghahari, o patuloy pa rin ang kasamaan ni Barakuda?
 
Huwag palampasin ang huling linggo ng Kambal Sirena, pagkatapos ng Niño, sa GMA Telebabad.