TV

Richard Gutierrez: Teleseryes I did taught me how to do action scenes

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Mapapanood sa suspense movie na Overtime ang iba’t-ibang action-packed scenes nina Richard Gutierrez at Lauren Young.

Nang mag-guest si Richard sa The Ryzza Mae Show, nag-kuwento siya kung paano siya natutong gumawa ng action scenes sa kanyang mga shows and films.

Kuwento ng aktor, “noong bata ako, mahilig ako mag-martial arts. Nag-train ako simula bata, tapos nag-compete din ako sa martial arts dati bago ako naging artista.”

Maliban sa kanyang martial arts experience noong bata pa, malaki rin daw ang naitulong ng kanyang roles sa mga teleserye na kanyang ginampanan.

Mulawin, Sugo, Captain Barbel, Lupin … Lahat 'yun may temang action kaya lalo pa akong natuto sa mga action scenes. Natuto ako kung paano gawin ang isang action scene dahil dun sa mga teleserye na nagawa ko noon,” dagdag niya.

Ayon kay Richard, nagamit niya ang kanyang mga natutunan sa kanyang bagong pelikulang Overtime. “Sa pelikula [na ‘to], medyo action din ang dating… Thriller siya,” aniya.

Kakaiba daw ang role niya dito kumpara sa mga proyekto niya noon. Lalayo muna ang Kapuso leading man sa mga good boy roles na kanyang nakasanayan.

“First time ako na makikita na medyo may pagka-bad boy dito sa Overtime. [Well], mabait [naman] 'yung character ko pero naghihiganti kasi siya, kaya napilitan siyang gumawa ng mga bagay na hindi niya gusto,” sabi ng aktor.

Mapapanood na ang Overtime sa mga sinehan simula bukas, July 2.