TV

Roxanne, nagkakagusto na kay Tyrone?

By EUNICIA MEDIODIA

Puno ng galit ang puso ni Roxanne sa Return of the Wife dahil sa ‘di makatarungang pagkamatay ng kanyang kakambal na si Rosaria. Ang kanyang gusto ay makapaghiganti, pero bakit parang nagkakagusto na siya sa taong kasama sa kanyang mga plano na paghigantihan?

Kakalimutan kaya ni Roxanne ang kanyang galit ngayong napapamahal na sa kanya si Tyrone? Paano na ang kanyang paghihiganti para sa katarungan ng pagkawala ni Rosaria?



Hindi lingid kay Roxanne na may pagtingin sa kanya si Tyrone. Simula pa lang ay ramdam na niya na interesado ito sa kanya. Kaya naman ginamit niya ito para sa kanyang mga plano. Siya ang susi para maisagawa niya ang paghihiganti sa mga taong nanakit sa kanyang mahal na kapatid.

Pero sa tuwing makakasama niya si Tyrone, unti-unti na rin siya nahuhulog dito dahil sa pinapakitang kabutihan nito sa kanya. Inililigtas din siya sa kapahamakan nito. Lagi siyang nandiyan para damayan siya.

Sa isang salu-salo, hinalikan ni Roxanne si Tyrone. May pagtingin na kaya siya sa binata o kasama rin ito sa kanyang mga plano?



Pagkatapos ng gabing iyon, may natanggap na text si Roxanne kay Tyrone. Inalam nito ang lagay niya. Natuwa si Roxanne sa kanyang natanggap na text. Mag-rereply na sana siya ng bigla niyang naisip na makakahadlang ito sa kanyang mga plano.

Hanggang kailan niya kayang magpanggap? Nakahanda ba siyang masira ang magandang samahan nila ni Tyrone?



Nalasing si Tyrone sa isang salu-salo. Pinakausapan niya si Roxanne na gawan niya ito ng hangover soup.

Kahit hindi marunong magluto, sinikap ni Roxanne na gawan ng masarap na soup si Tyrone. Ngunit nabigo pa rin siya.

Nang tikman ito ng kasama niya sa bahay, halata na hindi nila nagustuhan ang niluto niya. Masama ang kinalabasan. Hindi rin ito makakain.



Dahil sa sama ng lasa ng kanyang ginawa, bumili na lang siya sa restaurant na malapit sa office nila.

Sinabi ni Roxanne kay Tyrone na gawa niya ang soup na ibinigay niya. Hindi alam ni Roxanne na alam ni Tyrone ang totoo. Nakita siya nitong bumibili sa may restaurant na malapit sa kanila.

Nagpanggap din si Tyrone na hindi alam na binili lang ni Roxanne ang soup.

Pero nahuli rin siya kaya sinabi niya rin ang totoo.

Mahuli rin kaya ni Tyrone ang pagpapanggap ni Roxanne? Ano ang magiging reaksyon nito oras na malaman ang katotohanan sa pagkatao ni Roxanne at sa balak nitong paghihiganti sa kanyang kapatid na si Celine?

Ano ang mananaig kay Roxanne – ang kanyang paghihiganti o ang kanyang pag-ibig?

Alamin ang kasagutan pagkatapos ng Dragon Ball Z Kai sa Return of the Wife tuwing umaga sa GMA.