TV

Paano mag-bond ang Niño stars?

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Nang mag-guest sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Renz Valerio sa The Ryzza Mae Show noong nakaraang linggo, nakita ng mga Dabarkads kung gaano ka-close ang tatlong teen stars.

“Masaya kami sa taping kasi close kami,” pag-amin ni Miguel. Dapat ganun talaga ‘pag sa taping. Friends kayo ng mga ka-artista mo para natural kayo sa camera.”

Isa din sa mga dahilan ng kanilang pagiging close ay dahil pare-pareho silang nagsimula ng maaga sa showbiz.

Parehong sa commercials unang lumabas sina Bianca at Renz. Two years old si Bianca nang lumabas siya sa isang diaper commercial at three years old naman si Renz nang lumabas siya sa isang commercial ng gamot.

Huli si Miguel sa tatlo nang sumabak siya sa showbiz noong siya’y five years old. Sumali siya sa kids’ version ng artista search na StarStruck.

“Kasama ko nun si Bea Binene, Sandy Talag, saka si Paul Salas at marami pang iba. Tapos nagtuloy tuloy na rin. Nag-teleserye ako tapos nag-wo-workshop ako para mas ma-improve pa 'yung acting skills naming bilang artista,” kuwento ng Niño lead star.

Nang inamin ng tatlo ang kanilang pastime sa set, naka-relate si Aling Maliit.

“Madalas kaming kumain,” inamin ni Miguel.

“Si Bianca, madalas kumain,” dagdag ni Renz.

“Ako lang ba talaga?” nahihiyang pagtanong ni Bianca.

Isa din sa nagbubuklod sa kanila ngayon ay ang sabay-sabay nila na pag-diet.

“[Favorite ko] Pinoy food tulad ng mga adobo, kaso no carbs ako ngayon kasi nag-da-diet ako kaya bawal ako mag-rice, kasi meron kaming kasunduan na no carbs muna,” sabi ni Miguel.

“Bawal kami mag-rice [at bread], puro ulam lang. Bawal noodles,” paliwanag ni Bianca kay Ryzza.