TV

“Ako ‘yung big winner” – Sen. Chiz to Heart

By CHERRY SUN
 
Nakaranas ng maraming pagsubok ang pag-iibigan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Kaya naman nang makamit ng senador ang matamis na “Oo” ng Startalk
host ay tila “big winner” ang pakiramdam niya.

Maliban sa unang pagtutol ng mga magulang ni Heart sa kanilang relasyon, si Sen. Chiz ay ikinasal na rin noon at mayroong kambal na anak ngayon.

“Siguro bibihira ‘yung binibigyan ng pagkakataon na makita ‘yung hinahanap niya. At pagkatapos siguro ng akala mo nakita mo, hindi pala, na mabibigyan ka pa ng pangalawang pagkakataon na makita ‘yun, konti lang siguro ‘yung maswerteng magkaroon ng ganoon sa isang buhay,” sabi ni Sen. Chiz sa eksklusibong panayam ng Startalk.

Aminado rin ang Kapuso actress at host na hindi naging madali ang mga naranasan nila. At sa piling ng kanyang senator-boyfriend ay higit pa sa pagmamahal ang nahanap niya.

Ani Heart, “With him around, parang I’m not so afraid of the world anymore. Parang it became safer. Meron akong kakampi, meron akong mahihingan ng tulong. That’s a blessing na magkaroon ka ng isang tao sa buhay mo na ganun, na masasandalan mo and talagang maaasahan mo.”

“So I’m so thankful that I met you and I’m so lucky na I get to marry the man of my dreams. Kasi talagang crush ko siya eh ever since before,” pag-amin din niya.





Kaya sumumpa ang senador sa Startalk: “Hindi ko papabayaan, mamahalin at aalagaan ko ‘yung anak, kapatid, pinsan o kaibigan nila.
Sisikapin ko syempre na mapaligaya niya ako. Ay, ikaw pala. (laughs) Basically, the long and short of it, hindi ko pababayaan si Heart ano man ang mangyari.”
 
Pahayag din niya, “Di man ako kasingtalino, kasinggaling umarte, alam niyo ‘yun. Kasinggaling kumanta, kasinggaling magasayaw.. Hindi man ako kasing eh...”
 
“Kasing macho, macho-naga,” pabirong pagdugtong ni Heart sa kanyang boyfriend, alluding to her former boyfriend, model and actor Daniel Matsunaga.
 
“Basta alam ko noong um-oo ka, ako ‘yung big winner,” pagtatapos ni Sen. Chiz.