TV

Test Your Knowledge: Beauties with brains on Celebrity Bluff

By MARY LOUISE LIGUNAS



Nagtagumpay ang mag-asawang Shamcey Supsup at Lloyd Lee laban sa ibang Miss Philippines-Universe beauty queens at kanilang special friends na sina Ariela Arida at Ervic Vijandre, at Venus Raj at Ken Alfonso noong nakaraang Sabado sa Celebrity Bluff.

Kaya mo ba ang kanilang world-class beauty and brains? Alamin kung pang-Miss Universe ka sa edisyon na ito ng Test Your Knowledge.

1. Bakit naging kontrobersyal ang manikang si Barbie noong una itong ibenta sa publiko noong 1959?
A. Dahil masyado itong sexy
B. Dahil Caucasian looking kaya't may racial discrimination
C. Dahil mahal

2. Anong insekto ang may scientific name na 'Periplaneta Americana'?
A. Kuliglig
B. Lamok
C. Ipis

3. Bagamat mga lalaki ang kauna-unahang telephone operators sa mundo, hindi nagtagal ay pinalitan sila ng babaeng operators. Bakit?
A. Dahil mas magaling mag-Ingles ang mga babae?
B. Dahil mas maamo ang mga babae
C. Dahil medyo bastos ang mga lalaki

4. Sa annual event ng Finland na 'Eukonkanto,' ang binubuhat ng mga lalaki ay _____.
A. Barrel of beer
B. Asawa nila
C. Malalaking gulong

5. Sa 1926 movie na 'Ang Tatlong Hambog' napanood ang kauna-unahang ____ sa isang Pinoy film.'
A. Pagsabog ng kotse
B. Kissing scene
C. Normal yung speed ng kilos

6. Sinu-sino sa mga sumusunod ang naging topnotcher o number 1 sa bar exams?
A. Koko Pimentel
B. Ninoy Aquino
C. Manuel Quezon
D. Jovito Salonga
E. Manuel Roxas
F. Gibo Teodoro

Answer key:
1. A— Naging kontrobersyal si Barbie nang i-launch noong 1959 dahil hindi sanay ang mga tao noong mga panahong yun na makakita ng manikang sexy.
2. C— Periplaneta Americana ang scientific name ng ipis o cockroach.
3. C— Noong bago pa lamang ang telephone system, mga lalaki ang telephone operators ngunit pinalitan ng female operators ang mga boys dahil ang mga lalaki raw ay bastos at palamura.
4. B— Sa taunang event na Eukonkanto, ang binubuhat ng mga lalaki ay ang kanilang misis. Kung gaano kabigat ang asawa, ganun din ang timbang ng premyo nilang beer.
5. B— Ang Tatlong Hambog ang nagpakita ng very first lips to lips kissing scene sa pagitan nina Luis Tuazon at Elizabeth Dimples Cooper.
6. A, D, E, F