TV

Alden Richards: 'Extra excited ako for Ilustrado'

By MICHELLE CALIGAN

Hindi naitago ni Kapuso leading man Alden Richards ang kanyang excitement sa kanyang latest TV project, ang kauna-unahang BayaniSerye sa Philippine primetime, ang Ilustrado.

"Sa lahat ng projects na nagawa ko for GMA, lahat naman ako naging excited, pero extra excited ako for Ilustrado. Hindi ko ma-express ang happiness at fulfillment namin na makakapagpalabas ang GMA ng ganitong klaseng project na makikita nating mga Kapuso," pahayag ni Alden sa press conference ng naturang programa last October 16.

Matindi ang dedication ni Alden sa pagbibigay buhay kay Jose Rizal dahil mahirap na daw na magkamali.

"I mean every small detail counts. Of course, period 'to, we're talking about history, and about our national hero, Jose Rizal. Mainit ang mata ng mga historians, so baka ma-critique. Ultimo ang smallest detail, pati sa buhok, talagang ganun kami ka-specific.

Hindi maiiwasan na ikumpara ang Ilustrado sa mga dating pelikula tungkol kay Rizal, pero ani Alden, ibang perspektibo daw ang ipapakita nila.

"Since it's another Jose Rizal biography, we wanted to introduce something different, a different perspective. We're humanizing Rizal, and apart from that, hindi pa rin nawawala ang essence of heroism sa kanya, kung paano niya ipinaglaban ang Pilipinas against the Spaniards."

Dagdag pa niya. "'Yung treatment po na ginawa ng GMA News and Public Affairs sa Ilustrado is like a movie project, so para kayong nanonood ng pelikula araw-araw. Pagdating sa shots, sa grading, sa effects, talagang hindi po kami mapapahiya sa inyo."

Pagdating naman sa mga batikang artistang kasama niya, ito lang ang masasabi ng tinaguriang Primetime Prince.

"Walang stress. Ang ikinaganda kasi ng mga katrabaho ko dito is walang ere po lahat ng cast so we all get along very well, and nagiging madali ang pagtatrabaho namin. Minsan nga dumadating 'yung point na nabibitin kami sa taping day kasi po ambilis ng araw. Mas nauuna matapos ang eksena ng mga kasama ko, and medyo nalungkot pero at the same time, excited kasi andaming magagandang eksena na ipapalabas dito sa Ilustrado."

Huwag palampasin ang Ilustrado, gabi-gabi pagkatapos ng Hiram na Alaala, sa GMA Telebabad.