TV

'Hindi ko puwedeng pabayaan ang character na ibinibigay sa akin' - Jaclyn Jose

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Tatlong TV projects na ang pinagsamahan nina Jaclyn Jose at Alden Richards - Mundo Mo'y Akin, Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, at ngayon sa BayaniSeryeng Ilustrado. Gaganap si Jaclyn bilang si Conchita Monteverde, isang fictional character na kumakatawan sa oppression na pinagdaanan ng pamilya ni Jose Rizal, na ginagampanan naman ni Alden.

Paano kaya niya nabuo ang character ni Conchita?

"Collaboration, siyempre. Nagbibigay ako ng suggestions. Hindi ko puwedeng pabayaan ang character na binibigay sa akin. Ganoon ako magtrabaho. So in-enhance ko nang grabe. As you have noticed, I have three moles. Nunalin si Conchita. I created her look, kung sino siya, how she stands, how she talks."

Walang problema sa veteran actress kahit kathang-isip ang kanyang role.

"Masaya kasi hindi ako puwedeng ma-out kasi lahat pasok. This fictional character is a representative of the real people na ganito ang kalagayan during that time. Alam din naman natin na sa history ng Pilipinas, ang mga matataas noon, talagang grabe ang pagmata sa mga mababa, sa mga indio."

Pagdating naman sa lead ng Ilustrado na si Alden, very proud daw si Jaclyn sa tagumpay na tinatamasa ng batang aktor.

"I am so happy. Para ko na ring anak 'yan eh, mula MMA (Mundo Mo'y Akin) to Carmela. I am somehow a part of his career, somehow molded him in a way, and I always post sa Instagram niya na 'I am so happy for you. You deserve this.' I am really happy for Alden kasi he is such a nice gentleman, humble."

How will she rate Alden's performance?

"Siyempre 10. Nagtrabaho siya nang husto. Kapag nakikita ko ang trailer, namo-move ako."