TV

Anong mga elemento ang ayaw makaharap nina Bea Binene at Kim Rodriguez?


By MICHELLE CALIGAN


Tuwing Biyernes ay napapanood ang Halloween series na Elemento, kaya tinanong namin ang stars ng Strawberry Lane na sina Bea Binene at Kim Rodriguez kung alin sa manananggal, kapre, diwata at duwende ang gusto at ayaw nilang makaharap.

"Siguro manananggal, kasi nahahati [ang] katawan nila. Kapag kapre, 'di ba malalaki sila? So kapag nakita mo sila, matangkad sila. At kung hindi mo sinaktan 'yung puno nila, hindi naman sila gagawa ng harm," shares Bea.

Dagdag pa niya, "Kapag 'yung diwata, sa bundok sila, so kapag may nagawa ka sa place nila, 'tsaka lang sila magagalit. Eh 'yung mga manananggal, sila mismo ang lumilipad para mang-attack nang wala namang dahilan."

Si Kim naman, ayaw maka-encounter ng kapre. "Pinakaayaw ko na siya kasi siyempre kapag nasa harap mo na siya matatakot ka na. Anlaki-laki nun eh."

Pagdating naman sa mga pinapaniwalaan nila, pareho sila ng sagot - duwende.

Ani Bea, "Kasi nung Alice Bungisngis nakasama ko si Tito Roy [Alvarez]. Alam niya ang mga tungkol sa ganyang elementals, at alam niya na mayroon daw akong friend na nakasunod sa akin na puting duwende galing sa Pagsanjan, Laguna. Gusto ko siyang ma-meet."

May kababata daw si Kim na katulad ni Bea na may kaibigang duwende. "Sabi niya mayroon daw siyang kaibigang duwende. Lagi siyang naghahanda ng maliliit na plato at baso."

Apart from the four that are featured in the program, Bea and Kim admit that there are other elementals that tickle their interest.

"Ang pinapaniwalaan ko na creature, alam kong totoo sila dahil nagpunta ako before ng Siquijor at nalaman kong totoo talaga, ang mambabarang. Pero mabubuti sila, nanggagamot sila ng mga taong may sakit. Na-meet ko sila personally kaya alam kong totoo sila," pahayag ni Bea.

"Pinakagusto kong makita 'yung bolang apoy, 'yung santelmo. Kasi hindi daw siya nananakit, Habang umuulan, hinahabol ka niya," kuwento naman ni Kim.