TV

Arthur Choi: Herederong ayaw ang reponsibilidad

By MARAH RUIZ



Pinalad man siyang ipanganak na mayaman at guwapo, saksakan naman ng yabang at napaka iresponsable ni Arthur Choi. Wala siyang interes na magmana o kahit tumulong man lang sa negosyo ng kanilang pamilya. Wala din siyang interes sa pag-ibig. Ang totoo ay may feelings pa kasi si Arthur sa first love niyang si Arlene.

Dahil sa patong-patong na sakit ng ulo na hatid niya sa kanyang mga magulang, pipilitin siya ng kanyang lola na ayusin at patakbuhin ang isang luma at sira-sirang coffee shop na babansagan niyang Coffee Prince. Mahuhulog ang kanyang loob sa katakam?-takam na amoy ng kape at pati na ?rin sa unpredictable na si Andie.

Mabago kaya ng Coffee Prince at ni Andie ang mga hindi katanggap-tanggap na ugali ni Arthur?

Sa pagganap na naglapit sa kanya sa mga puso? ng Pinoy, si Gong Yoo ang magbibigay buhay sa maangas ngunit sweet na si Arthur.

Kilalanin pa si Arthur Choi sa Coffee Prince, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras.