TV

Andie Go: Princess in disguise

By MARAH RUIZ



Lahat na yata ng trabaho ay nasubukan na ni Andie Go. Mula sa pagiging isang waitress, hanggang sa pagiging isang taekwondo teacher at pati na rin ang pagiging delivery girl, pinasok na niya para lang tustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. Lagi tuloy siyang napapagkamalang lalaki dahil sa mga trabaho at ayos niya. Nang maulila sila sa ama noong bata pa lang si Andie, siya na ang tumayong breadwinner ng kaniyang pamilya.

Kaya naman nang alukin ni Arthur si Andie na magpanggap bilang gay lover niya, pumayag ang dalaga, basta't pagkakaperahan niya. Ngunit hindi hangad ni Andie na mamuhay ng isang kahig isang tuka. Nangangarap siya na maging isang barista. Sa simpleng paglanghap lamang, kaya na niyang tukuyin ang uri ng kape, kahit pa hindi na niya ito tikman. Dahil sa talento niyang ito, kukunin siya ni Arthur para magtrabaho sa bago niyang café, ang Coffee Prince.

Paano kaya mababago ang buhay ni Andie sa Coffee Prince at sa pakikipag-ugnayan niya kay Arthur?

Isinantabi muna ni Yoon Eun Hye ang kanyang glamorosang image, para bigyang buhay ang boyish na si Andie Go.

Huwag palampasin ang kanyang pagganap sa Coffee Prince, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras.