TV

Best of the best in MP featuring Sport Science this Sunday!

By AL KENDRICK NOGUERA



Isang linggo matapos i-defend ni Pambasang Kamao Manny Pacquiao ang WBO Welterweight champion title, balik hosting ulit si Pacman sa MP featuring Sport Science this Sunday night on SNBO.

Sa mga nakaraang episodes ng MP featuring Sport Science, ibinahagi sa atin ni Pacquiao ang top 3 below-the-belt hits na natamo niya sa kanyang mga laban. Bukod pa rito, inisa-isa rin ang best footworks ni Pacman na malaki ang itinulong sa pagkapanalo niya sa kanyang previous fights.

Ngayong Linggo, siguradong mayroon na namang ibabahagi ang Pambansang Kamao lalo na ngayong natalo niya na si American Boxer Chris Algieri sa laban nila sa Macau kamakailan.

Dumagdag pa sa ihahandog ng MP featuring Sport Science ang istorya ni Jomari Yllana bilang First Filipino podium finisher sa isang super race competition.

Hindi naman magpapahuli si Louise delos Reyes dahil papakitaan niya tayo ng kanyang target shooting skills. Ayon sa Kapuso actress, nagsimula niyang gawin ang sport na ito sa edad na 13 years old.

Lahat ng ‘yan ay mapapanood ninyo sa MP featuring Sport Science ngayong Linggo ng gabi sa SNBO, after Bet Ng Bayan.