TV

Walang tsamba sa 'MP Sport Science' ngayong Linggo!



Ngayong Linggo sa MP featuring Sport Science, ipapakita ang compilation ng unbelievable moments na nangyari sa sports. Kasunod nito ay susubukan na muling gawin ang mga “tsambang” ito sa tulong ng Science.

Tsamba nga lang ba ang unbelievable moments na ito o puwede itong ulit-ulitin?



Isa si Kapuso actor Sef Cadayona ang susubok kung totoo ba na walang tsamba. Bilang si Seferman, isu-shoot niya ang basketball mula sa center line. Magagawa niya kaya ito?



Present din ngayong Linggo ang basketball superstar na si Chris Tiu at siya mismo ang tatanungin tungkol sa tsamba basketball shots.



At siyempre, magpapahuli ba si Solenn Heussaff? Papatunayan niyang hindi tsamba ang kanyang sexy figure dahil magbibigay siya ng kanyang workout tips.

Lahat ng ‘yan ay mapapanood sa MP featuring Sport Science, ngayong Linggo ng gabi sa SNBO pagkatapos ng Bet Ng Bayan.