TV

Kapuso Year in Review: The best moments on 'The Ryzza Mae Show'

By MARY LOUISE LIGUNAS

Hindi na mabibilang sa mga daliri ang dami ng beses na pinatawa at pinaluha tayo ni Aling Maliit sa The Ryzza Mae Show.

Araw-araw siyang may dalang baong pampasaya at pampaaliw sa mga Dabarkads. Bago matapos ang taon, balikan natin ang ilan sa mga espesyal na pangyayari sa show ng youngest talk show host.

Nang makilala at makausap niya sina Vilma at Nora

Naabot ni Ryzza ang pangarap ng maraming Pilipino na makasama ang dalawa sa pinakasikat na artista sa bansa – ang Star for all Seasons at ang Philippine cinema’s Superstar. Aliw na aliw naman sina Vilma Santos at si Nora Aunor sa talino at talento ni Aling Maliit.





Nang pag-usapan ang mga artista at show mula sa ibang network 

Twang-tawa ang mga Dabarkads nang itanong ni Ryzza kay Jasmine Curtis-Smith kung papunta na ng Showtime si Anne. Bumenta rin sa mga manonood nang pinag-usapan nila ni James Reid ang Pinoy Big Brother.





Nang magkaroon ang pamilya niya ng sariling bahay

Isa sa pinaka nakakaantig-puso na nangyari sa The Ryzza Mae Show ay nang natupad ang pangarap ni Aling Maliit na magkaroon ng sariling bahay at lupa ang kanyang pamilya. Noong anniversary ng show, sinabi ni Bossing na tuloy-tuloy na ang pag-ayos ng bahay ng mga Dizon, at nagkuwento rin si Ryzza tungkol dito.





Nang maging guest niya ang mga Dabarkads

Nakakasama ni Ryzza araw-araw ang kanyang mga Dabarkads sa Eat Bulaga. Ngunit bago umere ang kanilang Lenten special, bumisita sina Paolo, Belle, Pia, Keempee, Pauleen, Ryzan, Ruby at Jimmy sa kanyang show. Drama man ang pinag-uusapan nila, naging nakakatawa pa rin ang kanilang mga reenactment.







Nang dumating sa kanyang show si Alonzo

Dumoble ang saya sa The Ryzza Mae Show nang dumalas ang pagbisita ni Alonzo Muhlach. Nakakaloka ang samahan ng dalawa at walang boring na moment tuwing nag-uusap sila.





Nang magpasalamat sila ng kanyang ina sa isa’t-isa

Kahit marami nang mga nakikilalang sikat si Ryzza, ang pinakamahalagang tao pa rin sa buhay ni Ryzza ay ang kanyang ina. Naluha ang audience ng magpalitan ng mensahe ang mag-ina.