TV

Cyrus Hyun at Sam Soon: Love at first bite

By MARAH RUIZ
 


Mayabang at arogante.

‘Yan si Cyrus Hyun.

Pero hindi akalain ng nakararami, may pusong mamon din pala itong si Cyrus Hyun.

Dahil sa patuloy na pakikialam ng kanyang ina sa kanyang buhay at love life, kokontratahin niya si Sam Soon na magpanggap bilang girlfriend niya. Lingid sa kanyang kaalaman, sa larangan ng pag-ibig ang pagpapanggap ay madalas nagiging katotohanan.

Tadhana ang nagtakda na tapunan ni Sam Soon ng cake sa mukha si Cyrus dahil dito niya madidiskubre ang talento nito. Dito na rin niya matitikman ang tunay na pag-ibig.

Up and coming actor pa lang si Hyun Bin nang gumanap siya bilang Cyrus. Ito na rin ang role na nagpasikat sa kanya, hindi lang sa Korea, kundi sa buong Asya. Natanggap din niya ang Top Excellence Award for an Actor at Popularity Award for an Actor sa 2005 MBC Drama Awards dahil sa kanyang pagganap.

Panoorin ulit natin ang love story na napakatamis sa My Name is Kim Sam Soon! Sa January 5 na, sa Heart of Asia, GMA.