TV

Kim Sam Soon: Baker, sweet lover

By MARAH RUIZ

 
Walang finesse, overweight at matandang dalaga man si Kim Sam Soon, nakapag-ipon naman siya at nakapunta sa France para mag-train bilang pastry chef.
 
Nagbunga ito ng maganda, dahil napakasarap ng desserts na bine-bake niya!
 
Dahil sa angking talento ni Sam Soon, aalukin siya ng hotel heir na si Cyrus ng trabaho sa restaurant niyang Bon Appetit kahit hindi naging maganda ang una nilang engkwentro.
 
Tunghayan ang pagbabago ng buhay ni Kim Sam Soon pagkatapos niyang matutuhang mahalin ang kanyang sarili. Ang komedyanang si Kim Sun-ah ang gaganap bilang si Sam Soon.
 
Kinailangan niyang magdagdag ng timbang- at hindi biro ang 15 pounds na itinaba niya- para gampanan nang lubos ang role na nagpasikat sa kanya. Nanalo pa siya ng katakot-takot na awards para dito tulad ng Best Actress sa 2005 Grimae Awards; Grand Prize, Top Excellence Award for an Actress, Popularity Award for an Actress sa 2005 MBC Awards at Best TV Actress sa 2006 Baeksang Art Awards.
 
Panoorin ulit natin ang love story na napakatamis sa My Name is Kim Sam Soon! January 5 na, sa Heart of Asia, GMA.