TV

Aljur Abrenica, nagpasalamat sa kanyang mga fans

By MARY LOUISE LIGUNAS



Ikinatuwa ng mga Dabarkads nang mag-guest si Aljur Abrenica sa The Ryzza Mae Show kaninang umaga. Mainit na sinalubong ang aktor ng studio audience sa pamamagitan ng mga tili at palakpak.

Isa sa mga rason ng kanyang pag-guest kay Aling Maliit ay para i-promote ang kanyang album na ‘Mahal Pa Rin Kita.’

Patawang tinanong ni Ryzza kung para kanino ang mensahe ng title ng bagong album ni Aljur. “Sino pong mahal niyo pa rin?” patawang tinanong ng batang host.

Napangiti at napatahimik nang sandali si Aljur bago makasagot.

“Marami eh. Maraming aspeto (ang) ‘Mahal Pa Rin Kita’ eh... Mahal ko kayo,” saad niya.

Bago matapos ang kanyang guesting ay nagpasalamat si Aljur sa mga Dabarkads at sa GMA.

“Maraming salamat, maraming salamat sa pagmamahal, sa mga halik at yakap… GMA, GMA Artist Center, maraming salamat for making this album wonderful and possible,” sabi niya.