TV

Joyce Ching at Kristoffer Martin, matagal hinintay ang pagbabalik tambalan

By MARY LOUISE LIGUNAS


Dati mang mag-nobyo sina Joyce Ching at Kristoffer Martin ay nanatili silang mabuting magkaibigan. Sa katanuyan ay masaya sila nung nalaman nilang magkakatrabaho sila muli sa GMA Afternoon Prime soap na Healing Hearts.

“Sobrang saya po at sobrang excited talaga… since matagal nga naming hinintay na magkaron ng balik tambalan…” sabi ni Joyce sa Walang Tulugan.

Para kay Kristoffer, malaking karangalan ang bagong project na ibinigay sa kanila at gusto nila ni Joyce na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa ikagaganda nito.

“Sobrang thankful namin sa network kasi 'yung trust na binigay sa ‘min, 'yung another chance sa pagbabalik tambalan [is a big] opportunity,” wika ni Kristoffer.

Inamin din ng dalawa na hindi sila nahihirapan o nagkakailangan sa isa’t-isa sa mga sweet na eksena.

“All natural lang [at] hindi naming binibigyan ng sobrang effort dahil lumalabas siya naturally… Sobrang comfortable namin sa isa’t-isa eh,” dagdag ni Kristoffer.