advertisement
TV

Carren Eistrup, itinanghal na 'Bida Next' winner ng 'Eat Bulaga'

1 of 9

Carren Eistrup

Si Carren Eistrup ay isang Filipino-Danish singer mula Cebu.

2 of 9

Education

Grade nine o third year high school na ngayon si Carren. Aniya, priority pa rin niya ang pag-aaral kahit nabigyan ng oportunidad mag-artista. "Kahit naman masyadong busy, I always do my best to maintain my grades kasi 'yung education natin 'yan po ang magbibigay sa 'tin ng foundation in the future."

3 of 9

Artist 

Sumali si Carren sa 'Bida Next' contest ng 'Eat Bulaga' dahil pangarap niyang mag-artista. Sabi niya, "Pangarap ko po ito since when I was a child and I'm really passionate about this po and I'm passionate about making people happy, giving them good vibes."

advertisement
5 of 9

Las Vegas

Dream din ni Carren na makapag-perform sa Las Vegas, kung saan mayroon siyang mga kamag-anak.

6 of 9

Singer

Hinangaan ng 'Eat Bulaga' hosts ang kalidad ng boses ni Carren kahit wala itong ongoing na voice lesson.

7 of 9

 Idol

Isa sa mga paborito niyang mang-aawit ang American singer na si Sara Bareilles, na nagpasikat ng mga kantang "She Used To Be Mine," "Brave," at "Gravity."

advertisement
8 of 9

 Workshop

Sa edad na lima, nagsimula nang um-attend ng mga singing workshop si Carren.

9 of 9

Miley Cyrus

Marami ang nakakapansin sa pagkakahawig ni Carren sa American singer/actress na si Miley Cyrus. Para sa 13-year-old singer, advantage ito pero, aniya, "I want to have my own image na makilala as me not just being pretty po but also having a talent."

10 of 9

 Dream

Isa rin sa mga dahilan kung bakit sumali si Carren sa 'Bida Next' ay para matulungan ang kanyang pamilya. Pangarap din niyang makabili ng sariling bahay at the age of 18 at magkaroon ng negosyo.

advertisement