TV

Jo Seung Woo, bagong Korean hearthrob na dapat abangan

By MARAH RUIZ

 
Isang minamahal na Korean actor ang makikilala ng Pilipinas simula June 29!
 
Ito ay si Jo Seung Woo na bibida sa Korean medical period drama na The King's Doctor.
 
Isang award-winning film at stage actor si Jo Seung Woo. Ilan sa kanyang pinakakilalang pelikula ang The Classic—isang melodrama na mula sa direktor ng My Sassy Girl, Marathon kung saan gumanap siya bilang isang lalaking may autism at Tazza: The High Rollers na isa sa mga pinakamatagumpay na pelikula sa takilya sa Korea. Samantala, ang Jekyll and Hyde, Hedwig and the Angry Inch at Man of La Mancha naman ang ilan sa mga tanyag na stage plays na ginawa niya. 
 
WATCH: Kilalanin si Baek Gwang Hyun ng 'The King's Doctor'
 
Ang The King's Doctor ?ang una niyang seryeng ?pang-telebisyon. Sa kanyang pagganap kay Baek Gwang Hyun, nadagdagan pa ang halos 'di na mabilang na awards niya. Umani siya ng Top Excellence Award for an Actor in a Special Drama Project sa 2012 MBC Drama Awards. Naiuwi din niya ang Daesang na siyang pinakamataas ng parangal sa parehong awards ceremony. 
 
Abangan si Jo Seung Woo sa The King's Doctor, simula June 29, pagkatapos ng Two Mothers sa Heart of Asia, GMA.