advertisement
TV

Get to know 'Little Miss Diva' grand winner Althea Ruedas

1 of 14

Althea Ruedas

Si Althea Ruedas at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Antipolo City.

2 of 14

Bahay Kubo

Dalawang taong gulang lang noon si Althea nang magsimula siyang kumanta. Sa murang edad, kabisado na niya ang folk song na "Bahay Kubo."

3 of 14

YouTube

May sariling YouTube channel si Althea na mina-manage ng kanyang mga magulang. Mayroon na itong 3,400 subscribers at 125,000 views. Dito mapapanood ang ilang song covers ni Althea simula noong siya ay dalawang taong gulang pa lang.

advertisement
4 of 14

Young singer

Ilang beses na ring kumanta sa public events si Althea. Nakapag-perform na siya sa isang event sa kanilang barangay kung saan inawit niya ang "Isang Lahi." Nagkaroon din siya ng special number sa isang travel campaign launch sa kanilang probinsya kung saan kinanta niya ang "Salamat Musika."

5 of 14

Singing contest

Sa murang edad, naging laman na ng mga singing contest si Althea.

7 of 14

Model

Isa ring TV commercial, digital ad, at pint model si Althea. Dalawang beses siyang lumabas sa TV commercial ng Jollibee. Three years old lamang noon si Althea nang unang beses siyang mapanood sa ad ng fast food brand. Apat na taong gulang naman siya noon nang tumampok siya sa ad ng Smart Travel WiFi noong 2017. Nakita rin siya sa isang ad ng Argentina Beef Loaf at CDO Idol Cheesedog.

advertisement
8 of 14

Child actress

Pitong taon naman si Althea nang lumabas siya sa pelikula. Gumanap siyang Nathalie sa 2019 movie na 'Silly Red Shoes.' Noong 2022, napanood naman siya sa Cinemalaya entry na 'Bakit 'Di Mo Sabihin.' Napanood din siya sa ilang palabas sa kabilang istasyon.

9 of 14

Doll House

Noong 2022, bumida siya sa hit Netflix family drama na 'Doll House' kasama si Baron Geisler. Nanguna sa top ten movies ng Netflix Philippines ang nasabing pelikula ilang araw matapos i-release. Dito ay napanood si Althea bilang Yumi, na napag-alamang long-lost daughter ng troubled musician na si Rustin (Baron) nang magtrabaho ito bilang babysitter ni Yumi.

10 of 14

Hobbies

Bukod sa pagkanta, mahilig din si Althea tumugtog ng ukulele, magsulat ng kanta, at magsulat ng kuwento. Live streamer din siya sa Kumu.

advertisement
11 of 14

Improvement

Nag-improve ang boses ni Althea dahil sa kanyang consistent sa pagpa-practice.

12 of 14

Father and daughter

Lagi niyang ka-jamming ang kanyang Daddy Eggy na nag-impluwensiya sa kanyang kumanta.

13 of 14

Winner

Bago pa maging "Little Miss Diva," naging Ever Kiddie Star siya noong 2016.

advertisement
14 of 14

Award

Isa si Althea sa mga pinarangalan sa 6th Asia Pacific Luminare Awards Night noong 2022.

15 of 14

Little Miss Diva

Sa walong finalists ng kiddie talent competition ng 'Eat Bulaga' na "Little Miss Diva," si Althea ang itinanghal na panalo at nakapag-uwi ng PhP 500,000 bilang kanyang cash prize. Inawit niya sa grand finals ang "Pangarap Na Bituin" ni Megastar Sharon Cuneta. May sing-and-dance number din siya sa saliw ng kantang "Proud Mary" na pinasikat ng American musical duo na sina Ike and Tina Turner.