TV

Park Shin Hye, tampok sa isang sikat na magazine

By MARAH RUIZ
 
Napasama si Park Shin Hye sa isang espesyal na editorial spread ng Korean version ng isang sikat na international magazine. 
 
Tampok ang nasabing spread sa July issue ng InStyle Korea na pinagbidahan ng ilang top Korean stars na nominado o nanalo sa 51st Baeksang Art Awards na ginanap noong nakaraang buwan. 
 
 
Matatandaang nominado ang Korean beauty para sa Best Actress for Television para sa pagganap niya sa Pinocchio, habang nanalo naman siya ng Most Popular Film Actress para sa The Royal Taylor. Nakuha rin niya ang iQiyi Award na handog ng isa sa pinakamalalaking streaming sites sa China para sa pinakamaningning na Korean Wave star.  
 
Panoorin siya sa kanyang pagganap bilang Trina Choi sa Pinocchio! Tunghayan ang Pinocchio, pagkatapos ng The Rich Man's Daughter sa Heart of Asia, GMA.