TV

LOOK: Biyahe na kasama si Lee Jong Suk!

By MARAH RUIZ

Isa si Lee Jong Suk sa mga in-demand na young Korean actors ng kanyang henerasyon. Kaya naman madalas din siyang makita sa mga advertisements at magazines bukod pa sa kanyang mga pagganap sa telebisyon. 
 
Tampok na naman ang Korean star sa travel-themed cover at spread ng July issue ng @star1, isang Korean entertainment at lifestyle magazine. 
 
 
Una na niyang pinakilig ang mga Pilipino sa I Hear Your Voice. 
 
 
Ngayon, muli niya tayong pakikiligin, kasama si Park Shin Hye, sa Pinocchio!
 
 
Siya ang gaganap bilang si Darren Choi, isang aspiring journalist na may mga itinatagong lihim. 
 
 
Antabayanan ang Pinocchio, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng The Rich Man's Daughter, sa nag-iisang Heart of Asia, GMA.