TV

Barbie Forteza at Thea Tolentino, guest stars sa ‘Vampire Ang Daddy Ko’ this July 5!

By AEDRIANNE ACAR

 
Magbabalik na si Girly (Barbie Forteza) sa buhay ng mga Ventura at plano ng dalaga na magtrabahong waitress kay Omma.
 
Pero may malaking balita ang naghihintay kay Girly. Ikinuwento ni Daddy Vlad sa dalaga na ang yumaong ama niya na si Jojo ay may naiwang investments
na lumago.
 
Wow, instant milyonarya si Girly!
 
Kaso mukhang may makikiagaw sa mana ni Girly, dahil darating si Ashley (Thea Tolentino) at sasabihin nitong mag half-sisters sila.
 
Oh no! Ano ang plano ni Ashley at tunay ba siyang kapatid ni Girly?
 
Ito namang si Diva (Allan K) gusto tumira sa lugar nila Daddy Vlad kaya balak nitong gumawa ng kabutihan para pumayag si Vlad na manatili siya.
 
Magawa kaya ni Diva na maging mabait o mag-gu-goodbye siya finally?
 
Tutukan niyo mga Kapuso ang episode ngayong Linggo (July 5) dahil The Half Sisters will cross over Vampire Ang Daddy Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa Sunday Grande ng GMA-7!