TV

WATCH: Park Shin Hye, tampok sa isang tourism campaign

By MARAH RUIZ

Tiyak na masayang mag-biyahe kung sing-ganda ni Park Shin Hye ang makakasama, hindi ba?

Tampok ang Pinocchio star sa isang tourism campaign ng Lotte Duty Free para sa Jeju Island.



Makikitang nakiki-glamping o glamorous camping ang Korean beauty kasama ng kanyang mga kaibigang dayuhan.

Kasama niya sa sa mini film ang ilang Super Junior members na sina Lee Dong Hae, Lee Teuk at Eun Hyuk.

Noong nakaraang taon, si Park Shin Hye din ang napili ng Lotte Duty Free para sa mini film na naghihikayat ng mga turista sa Jeju Island. Nakapares niya dito ang Korean cutie na si Jang Geun Suk.

Sikat na destinasyon ang Jeju Island para sa mga local at foreign tourists sa Korea.

Panoorin siya bilang si Trina Choi sa Pinocchio, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng The Rich Man's Daughter.