Trending ang 'More Than Words' worldwide on its first week! Kilalanin ang super kulit at lovable characters in this exclusive gallery.
She's a super hopeless romantic, and she documents all her hopes and dreams on her blog.
Janine Gutierrez gets a major transformation as the uber lovable Ikay. Palagi siyang pinagkakatuwaan sa school pero siya'y lumalaban! Fight lang ng fight!
Ang napakagandang si Katy Perez ang alter ego ni Ikay. Siya ang kaniyang kinathang karakter sa kaniyang blog na "Diary of A Queen Bee". Magkaiba man ang kanilang pisikal na anyo, marami pa rin silang pagkakatulad tulad na lamang ng pagmimithi sa kanilang one and only "Hiro".
Kapuso heartthrob, Elmo Magalona, is Juan Sebastian "Basti" Santillan III.
Maaaksidente si Basti at makakalimutan ang kaniyang nakaraan. Siya'y kukupkupin ni Ninang Rose (Leni Santos) at Ninong Emil (Rey "PJ" Abellana) at magiging si Hiro. Siya rin kaya ang maging Hiro ng buhay ni Ikay?
Young Kapuso love team, Elmo Magalona and Janine Gutierrez, breathe life to Ikay and Hiro.
Veteran actress, Jaclyn Jose, ang Nanay Precy ni Ikay. Ika nga niya, "Love you much!"
Akala ni Ikay nasa Heaven na ang kaniyang tatay pero buhay pa pala si Daddy Victor (Gardo Versoza)!
Balik-tambalan ang '80s love team nina Leni Santos at Rey "PJ" Abellana. Sina Ninang Rose at Ninong Emil ang kukupkop sa nawawalang Hiro at tratratuhin siyang parang sarili nilang anak.
Hahanapin naman ni Marissa Santillan (Yayo Aguila) ang kaniyang anak na si Basti.
Kapuso rising star, Stephanie Sol, shows off her feisty side as Belle Acosta. Sizzums sila ni Ikay since bata pa sila pero mukhang...some people really change.
Si Enzo Pineda naman si Nate Alvarez, ang star athlete ng St. Martin University na GGSS "Gwapong Gwapo Sa Sarili".
Meant to be ba ang Queen Bee at Campus Heartthrob?
Siyempre, kailangan ng Queen Bee ng mga kakampi. Mayton Eugenio is the super shopaholic Chelsea De Silva.
Mean girl nga si Molly Rivera (Coleen Rivera) pero mukhang lost na lost din siya.
BFF naman ni Basti si Chester Balboa (Mikoy Morales).