TV

Mabulgar kaya ang lihim nila Peachy at Arthur sa 'Vampire Ang Daddy Ko?'

By AEDRIANNE ACAR

Mga Kapuso, part two na ng episode featuring Buena Familia stars na sina Bobby Andrews at Angelu de Leon sa Vampire Ang Daddy Ko ngayong Linggo (August 16).

At may mga lihim na mabubulgar na dapat ninyong abangan!



READ: Angelu de Leon and Bobby Andrews guest star in 'Vampire Ang Daddy Ko' 

Bukod pa diyan, masolusyunan na kaya ang problemang panghihina nila Victor at mga bad vampires? May kinalaman kaya sina Peachy at Arthur sa nangyayari sa mga Ventura at sa mga kampon ni Vava?

At itong si Bibo, aamin na kaya kung ano ang tunay niyang relasyon kay Peachy?

Tutukan ang lahat na yan sa darating na August 16 sa Vampire Ang Daddy Ko sa nag-iisa at number one Sunday Grande ng Kapuso Network.