TV

Aiai delas Alas, nagpasalamat sa mataas na ratings ng 'CelebriTV'

By CHERRY SUN


Hindi naitago ni Aiai delas Alas ang kanyang galak dahil sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng bagong entertainment-comedy-talk show na kinabibilangan niya.

LOOK: The “Aiai”TD of the Philippine Comedy Queen 

“Nagpapasalamat kami sa lahat po ng nanonood ng CelebriTV. Simula umpisa hangga’t etong Sabado ay panalo po kami,” panimula ng Philippine Comedy Queen.



Nagpasalamat din si Aiai sa mga guest na nagpaunlak na makisaya sa kanilang programa.

Sambit din niya, “Sana po ay ipagpatuloy ang panonood sa amin at kami naman ay patuloy na magbibigay ligaya sa inyo sa Sabado ng hapon."

“To God be the glory forever and ever. Maraming salamat, Kapuso,” pagtatapos ng Kapuso host.