TV

Rhian Ramos, may special birthday celebration sa 'Idol sa Kusina'

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Para sa birthday ni Rhian Ramos ngayong taon, lumapit siya sa Idol sa Kusina para tulungan siyang bumuo ng isang makahulugang selebrasyon kasama ang kanyang mga espesyal na bisita.
 
Dahil October 3 ang birthday ni Rhian napagkasunduan ng Idol sa Kusina at ng Kapuso actress na gumawa na lamang ng late birthday episode. Napili ni Rhian makasama ang mga cancer patients mula sa Child Haus.
 
Sinigurado ni Rhian na healthy ang dishes na ihahanda sa kanyang special guests kaya nakipag-coordinate siya sa Idol sa Kusina at sa nutritionist ng Child Haus. Napili nilang ihanda ay veggie tacos, spaghetti with fresh tomato sauce and chicken meatballs, and fish afritada with fresh tomato sauce. Para sa dessert, naghanda naman si Bettinna ng fresh watermelon popsicles with a bit of honey.
 
Abangan ngayong Linggo, November 8, ang masayang birthday celebration kasama si Rhian Ramos sa Idol sa Kusina