TV

Lauren Young remained professional despite being hurt from sister Megan's slap

By MICHELLE CALIGAN

Kahit masakit na ang kanyang mga tenga dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Megan Young, tinuloy pa rin daw ni Lauren Young ang kanilang eksena para sa primetime series na Marimar.

MUST WATCH: Megan Young, napalakas ang sampal sa kapatid na si Lauren

"'Yung eksena kasi na ginawa namin, susugurin ko siya tapos sasampalin ko siya once, and then sasampalin niya ako twice. Tapos ang nangyari, medyo napalakas din kasi ang sampal ko kay Megan, as in full force, so feeling ko bumawi siya sa akin (laughs)," kuwento ng Marimar kontrabida.

She further explains, "So she hit me on my left ear, tapos napaganun (nganga) talaga ako because it felt so real, because totoo naman ang sampal niya sa akin. Ang nangyari kasi, hindi siya lumanding sa cheek ko, lumanding siya on my ear. Tapos pagkabalik ko nang ganyan, isa na namang sampal, and sakto, it landed on my other ear naman."

READ: Megan Young, nasaktan nang sampalin ang kapatid na si Lauren sa 'Marimar'

Aniya, nang magkamali siya sa kanyang dialogue ay saka lamang niya napansin na may nangyayari na sa kanyang pandinig.

"What happened was, after she hit me [on both ears], tinuloy ko 'yung eksena and then, after that, nagkamali ako ng line. Doon lang nag-sink in sa akin na 'Oh my gosh, sobrang sakit ng tenga ko pareho dahil ang lakas ng sampal niya sa akin.' So I stopped and then I started to cry, and akala ni Direk Mark kasama pa rin sa eksena lahat nang ginagawa namin. But then it was all real na talaga. When I started crying, doon na lang siya nag-cut na parang 'Oh my God, totoo na siyang nasasaktan.' I was just there in the corner and umiiyak lang ako. After nun, pinadala naman ako sa staff sa ospital to get my ears checked."

READ: Megan Young to sister Lauren: "Kung kailangan mo kong sabunutan, sabunutan mo ako!"