TV

'He doesn't look his age' - Carla Abellana on Gabby Concepcion

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Marami ang nagsasabi na tila hindi tumatanda ang aktor na si Gabby Concepcion, at isa na dito ang kanyang Because of You leading lady na si Carla Abellana.

"Like what everybody is saying, hindi siya nag-e-age. Ganun lang ang nakikita ko din, parang ganun pa rin siya kabata, parang hindi siya tumatanda. At his age, he's so good-looking, he's aging so well. He doesn't look his age," kuwento ni Carla sa entertainment press during the show's press conference.

READ: Gabby Concepcion on doing 'Because of You': "It's a fresh start"

Aniya, halos hindi raw nagbago ang pinakabagong Kapuso mula nang una silang magkasama sa isang pelikula.

"Okay naman. He's the same compared to before na nakatrabaho ko siya sa movie. Even at two in the morning, masayahin pa rin, kuwela. Gusto niya masaya 'yung set. Magaling, bilib ako sa kanya."

READ: Carla Abellana introduces Andrea of 'Because of You' to the public

She adds, "At least, kahit papano, na-break na 'yung ice. We've done emotional scenes together. Dito mas magaan naman po so happy-happy lang."

Ano naman ang nasabi ng kanyang amang si Rey 'PJ' Abellana na kaedad na niya ang partner ng kanyang anak?

"Hindi ko pa siya nakakausap about it. Pero nang nag-pictorial kami, 'yun ang first time nilang magkita so nagtatawanan lang sila. 'Anak ko na ang partner mo ngayon!'"

READ: Gabby Concepcion, excited to work with Kapuso actors