TV

'Because Of You,' mapapanood na sa pinaagang time slot next week!

By CHERRY SUN

Sa susunod na linggo ay mas pinaaga na ang tawanan at kilig sa romantic-comedy series na Because Of You. Mapapanood na ito sa bago nitong time slot na 8:30 P.M.

Maliban sa mga kaabang-abang na rebelasyon tungkol sa pagpapa-cute ni Boss Yummy kay Andrea, ay todo rin ang kulitan ni Carla Abellana kasama ang kanyang mga co-stars na sina Iya Villania at Vaness del Moral.

READ: Carla Abellana at Gabby Concepcion, may chemistry kahit malaki ang age gap 

“Aliw dito, kasi kung ano napapanood nila sa TV, sa Because Of You, ganun din kami dito off-cam. Makukulit kaming lahat. Masayahin kaming lahat. Good vibes lang. Kita niyo naman, ‘di ba,” wika ni Carla sa 24 Oras.

Ibinahagi rin niya sa parehong panayam na kahit hindi siya naniniwala sa New Year’s resolution ay ipinangako niya sa kanyang sarili na magtitipid na siya.

Sambit niya, “Ngayon, 2016, kung ano lang ‘yung pinaka-kailangan, ‘yun lang ang bibilhin.”

Kamakailan ay naglabas din ang aktres ng kanyang sentimiyento tungkol sa pagmamalupit sa mga hayop. Bilang isang animal rights advocate ay nagpapasalamat siya sa tulong ng social media. Hinihimok din niya ang publiko na gamitin ito para protektahan ang mga hayop.
 



“Kahit papano, with the help of social media, mas nae-expose na I guess ‘yung cases ng animal cruelty kasi ang dali na lang mag-take ng picture or ng video tapos i-u-upload lang nila kita na ng lahat. So makakatulong, malaking tulong ang social media,” pahayag ni Carla.


Video courtesy of GMA News