TV

AlDub at Jake Ejercito, magsasama-sama sa 'Eat Bulaga' Lenten special

By MERYL LIGUNAS

Tampok sina Alden Richards, Maine Mendoza at Jake Ejercito sa Eat Bulaga Lenten special na ‘God Gave Me You’.

Ito ay ibinalita ng noontime show sa kanilang Facebook page. Makakasama ng kalye-serye love triangle sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Si Jake ay unang naging guest sa segment ng Eat Bulaga noong nakaraang Enero. Siya’y kaklase ni Yaya Dub at group mate sa isang proyekto, kaya naging malapit ang mga karakter nito. Bumalik siya noong nakaraang Sabado, kung saan una silang nagkakilala ng karakter ng Pambansang Bae.

READ: Alden Richards tells Maine Mendoza that he is 'seloso' 

Nag-e-enjoy naman daw siya sa kanyang mga guesting, at nagpasalamat sa mga Dabarkads.
 



Nag-post rin ang isa sa mga staff members ng Eat Bulaga na si Pat na nagpapasalamat kay Jake.



Nag-reply ang binata ng, “Wooot finally met you! See you guys again soon hopefully!”

Ang kanilang Lenten special episode ay mapapanood sa March 23, Holy Wednesday.

MORE ON JAKE EJERCITO:

Alden Richards at Jake Ejercito, nagkakilala na ng personal kanina sa kalye-serye 

Jake Ejercito's Twitter followers double after his first appearance in the kalye-serye 

Jake Ejercito may nami-miss sa kalye-serye?