TV

Mga kasuotan ng 'Encantadia' Sang'gres, si Francis Libiran ang gagawa

By AL KENDRICK NOGUERA

Ngayong papalapit na nang papalapit ang inaabangang pagbabalik ng iconic GMA telefantasya na Encantadia, unti-unti nang pinaplantsa ng team ang requirements ng show lalo na ang costumes ng Sang'gres.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, ang world renowned designer na si Francis Libiran daw ang gagawa sa gowns ng mga Sang'gre ng kaharian ni Lireo na sina Amihan, Alena at Danaya.

LOOK: The new 'Encantadia' Sang'gres in their warrior costumes

Sa katunayan nga ay sinukatan na ang mga gaganap sa mga karakter na ito na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia kamakailan lang.

Ayon kay Gabbi, hindi na raw siya makapaghintay na makita ang costume ni Alena. Saad niya, "Excited ako kung ano man 'yung magiging hitsura ng gowns. I'm sure it will be perfect for the Sang'gres."

Bahagi naman ni Sanya na gagampanan ang role ni Danaya, kailangan nilang maging fit para magkasya sa kanila ang costumes. Aniya, "Bawal magkanin talaga kasi sobrang sexy ng damit."

Samantala, bukod sa pagda-diet ay abala rin ang mga aktres sa kanilang physical trainings. Ang preparasyong ito ang itinuturing ni Kylie na pinakamasayang gawin dahil kinalakihan niya ang martial arts dahil sa amang si Robin Padilla.

#NoPainNoGain: Kylie Padilla gets hurt while training for 'Encantadia'

"Sobrang saya ni Papa (Robin) kasi parehas kaming nangarap na maging action star ako. So ito na," pagtatapos ni Kylie.

 

 

 



Video courtesy of GMA News

MORE ON ENCANTADIA:

Dingdong Dantes, balik training na para sa 'Encantadia' after 10 years 

LOOK: 'Encantadia' costume designs 

A first look at the cast of 'Encantadia'