TV

Kylie Padilla, umaming kinabahan nang makaeksena si Marian Rivera sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

Nagpasaya ng fans ang Encantadia stars na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Buboy Villar, James Teng at Klea Pineda sa mall shows na ginanap sa Pampanga at Nueva Ecija nitong nakaraang weekend.

Sa nasabing event, nakapanayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras ang gaganap na Sang'gre Amihan na si Kylie. Inamin ng aktres na nakaramdam siya ng kaba nang makaeksena sa unang pagkakataon ang magbibigay-buhay sa role ni Ynang Reyna na walang iba kung 'di si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

LOOK: Marian Rivera's first taping day for 'Encantadia'

"Hindi ko naman alam na ganun (kakabahan) 'yung mangyayari sa 'kin. Pumasok na rin 'yung respeto [ko] sa kanya," saad ni Kylie.

Dagdag pa niya, "Sobrang bait niya 'tsaka makikita mo pa rin 'yung professionalism niya, nandun pa rin. Ang sarap niyang panooring magtrabaho."

MORE ON KYLIE PADILLA:

?WATCH: Video of Kylie Padilla's preparations for 'Encantadia'

#NoPainNoGain: Kylie Padilla gets hurt while training for 'Encantadia'