TV

LOOK: Rogelia, malapit na bang mapanood muli sa 'Eat Bulaga' Kalyeserye?

By CHERRY SUN

Sandali lang natin siya napanood pero napamahal na sa dabarkads at Aldub Nation si Sinon Loresca, o mas kilala bilang si Rogelia ng Kalyeserye. Muli na ba natin siyang mapapanood tuwing tanghalian?

Sa social media accounts ni Sinon ay tila nagpapahiwatig siya sa kanyang pagbabalik.

“Dabarkads, kamusta na kayo? Ready na ba kayong makita ako sa TV soon? So excited,” ayon sa kanyang post sa Facebook.


Sinundan din niya ito ng isa pang post sa Instagram kung saan kasama niya sa litrato si Maine Mendoza.


Dahil dito ay maraming na-excite at nag-aabang kung kailan nila muling mapapanood si Rogelia.

Muli nga ba siyang magpapasaya at rarampa sa Kalyeserye? Lagi lang tumutok sa GMA at GMANetwork.com for updates!

MORE ON SINON LORESCA:

MUST READ: Sinon Loresca, nag-donate ng kidney sa kapatid kaya nakarating sa London 

IN PHOTOS: Sinon Loresca, among the hunks who set social media on fire this summer