TV

EXCLUSIVE: Paolo Contis believes that clean cops still exist

By MICHELLE CALIGAN, Interview by MARAH RUIZ

Ilang kontrabida roles na rin ang nagampanan ni Paolo Contis, kaya masaya ang aktor na medyo kakaiba naman ang character niya bilang Daniel Acosta sa Alyas Robin Hood.

LOOK: The star-studded cast of 'Alyas Robin Hood'

"I'm a straight cop because my dad was a cop, and I'm very proud of that. Sobrang matino akong imbestigador. Ako kasi ang magiging lead investigator sa vigilante work ni Alyas Robin Hood. At the same time, ako ang haharang kay Megan [Young] at saka kay Dong," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam with GMANetwork.com.

Bukod sa pagiging pulis ay nakatatandang kapatid din ni Sarri (Megan Young) si Daniel.

Dagdag pa niya, "Ang pagiging kalaban ako ni Dong is not kontrabida, but I'm just on the right side because si Dong feeling ko nasa maling side."

Naniniwala naman daw si Paolo na may mga pulis sa totoong buhay na katulad ng role niya.

"Maraming masama, maraming pangit, pero I think naman mayroon that exist."

Aware din ang aktor na may mensaheng gustong ipaabot ang pagbibigay buhay niya kay Daniel.

"I think sa akin mapupunta 'yung responsibility to show the people that clean cops exist?. Siyempre Dingdong will be a vigilante, and yes it will be nice to watch. But nasa side ko 'yun para ipakita na it's still not good to put matters into your own hands when it comes to these things."

MORE ON PAOLO CONTIS:

LJ Reyes congratulates rumored boyfriend Paolo Contis for new show 'Alyas Robin Hood'

'Galawang Hokage' video ni Paolo Contis kay Kim Domingo umabot na sa 2M views