TV

EXCLUSIVE: Kris Bernal at Rocco Nacino, tampok sa anniversary presentation ng 'Wagas' 

By BEA RODRIGUEZ

Tampok sa Valentine’s Day special para sa ika-apat na anibersaryo ng Wagas ang bigating Kapuso stars na sina Kris Bernal at Rocco Nacino. Sila ang mga artistang bibida sa kuwentong pag-ibig na may pamagat na “Signs of Love.”

Bibigyang-buhay ng aktor ang isang deaf-mute na hirap sabihin ang kanyang nararamdaman para sa kanyang minamahal. Para kay Rocco, “It’s a story of love, acceptance, holding on, [and] also giving up, but realizing kung ano ang purpose sa buhay at sa buhay ng ibang tao.”

Paano ipadarama ang pagmamahal sa kabila ng kapansanan ang makabuluhang paksa bukas (February 11).

Aminado ang Kapuso hunk na nahirapan siyang gampanan ang role ngunit sa tulong ng sign language instructor ay napag-aralan niya ang kanyang script at natutunan niya ang mga pamamaraan ng komunikasyon ng mga deaf-mute bago ang shooting day.

“Ngayon lang ako nakagawa ng ganitong klaseng proyekto. Mahirap gampanan [‘yung] role dahil pigil ang boses ko eh. Kung mapapansin mo ang mga deaf mute, [‘yung] mga sounds that they make are an expression of wanting you to understand,” kuwento ng aktor sa GMANetwork.com base sa kanyang karanasan sa pagganap.

Samantala, naging inspirasyon para kay Kris ang kanilang episode dahil sa kakaibang kuwentong pag-ibig. Pinuri pa niya ang mga taong may naiibang kundisyon, “Ngayon, mas naintindihan ko na madali silang pakisamahan. Ang sarap magkaroon ng kaibigan na deaf-mute kasi very expressive din sila.

Nang tanungin ang mga Kapuso stars kung ano ang Wagas na pag-ibig para sa kanila, ang naging sagot ng aktor ay “buong pagmamahal, selfless, and honest, na hindi takot na ipakita kung sino ka at handang tanggapin ang taong mahal mo.”

Para naman sa aktres, “Walang hangganan, kapansanan, pagkakamali, pagkukulang, sitwasyon ang makakatibag sa tunay at wagas na pag-ibig.”

IN PHOTOS: ‘Wagas’ directors, nagtipon-tipon para sa 4th anniversary specials