TV

'Catwalk King' Sinon Loresca, kinabog si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere?

By BEA RODRIGUEZ


May nanalo na at siya ay walang iba kundi ang binansagang “Catwalk King.”

Matatandaang si Miss France Iris Mittenaere ang kinoronahan bilang Miss Universe 2016 pero ayon kay Eat Bulaga Dabarkads Sinon Loresca ay siya ang nag-uwi ng korona nang mag-viral ang kanyang catwalk video suot ang blue gown habang rumarampa sa Taguig City.

WATCH: Miss Universe walk of Rogelia gets worldwide attention 

“Sabi ko, kailangan ko ng catwalk [video] na naka-gown ako na parang ako ‘yung kinoronahan so kaya ginawa ko ‘to. Nanalo na dito si Ms. France pero sa akin pa rin ang korona,” pabirong kuwento ni Rogelia sa kanyang Unang Hirit guesting.

Bukod sa pagiging aktor, pangarap rin ng Catwalk King ang maging isang modelo, “Bata pa lang kasi ako, magaling na ako maglakad. Feeling ko gusto ko maging model, bukod sa pagiging artista.”

Inaral ni Sinon ang pagka-catwalk sa loob ng tatlong taon, “Oo, bago lang po. Dati hindi ko kaya ilakad ang six inches na heels pero last year nag-try-try ako [at] parang gumanda ang lakad ko hanggang ito na pala ‘yun. Moment ko nga.”

WATCH: Catwalk King Sinon Loresca, may tops sa paggamit ng high heels! 

Nakasagap ng milyon-milyong views ang funny videos ng tinataguriang Catwalk King hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Mapapanood rin siyang naka-heels sa 2017 TV remake ng Impostora starring Kris Bernal, Louise delos Reyes at Rafael Rosell.


WATCH: #GinalinganEh: Sinon Loresca’s workout videow earing high heels gets 4M views