TV

Amber Mitchell, matulunging earthling sa 'Alien Surf Girls'

 

 

Ipinanganak at lumaki ang teenager na si Amber Mitchell sa tahimik na bayan ng Lightning Point.

Maliit man ang kanilang bayan, kilala ito bilang isang surfing town dahil sa ganda ng beach at mga alon dito. 

Nagtatrabaho si Amber bilang isang surf instructor para sa mga bata nang lapitan siya ng dalawang misteryosang mga dalagita. 

Ito ay sina Zoey at Nikki na nagpapaturo kung paano mag-surf. Mamamangha siya sa kakaibang talento nila sa surfing, lalo na at ito ay ang unang beses nilang subukan ang sport. 

Kalaunan, malalaman ni Amber ang tunay na katauhan ng dalawa—mga aliens pala sila mula sa planetang Lumina! Stranded sila ngayon sa Earth dahil sa pagsabog ng kanilang spaceship.

Agad namang tutulungan ni Amber ang mga bago niyang kaibigan. Tuturuan niya ang mga ito na mag-asal tao para maitago ang kanilang sikreto habang naghahanap sila ng paraan para makabalik sa sarili nilang planeta.

Pero hindi ito magiging madali dahil may obsesyon sa mga UFO ang best friend niyang si Luca. At mukhang mahuhulog pa yata ang loob nito kay Nikki. 

Bukod dito, mahirap ding i-control ang mapusok na ugali ni Zoey. 

Mailayo kaya niya ang dalawang bagong kaibigan mula sa kapahamakan? Hanggang kailan niya kayang itago ang lihim nina Zoey at Nikki?

Ang Australian actress na si Philippa Coulthard ang magbibigay buhay sa earthling na si Amber.

Abangan ang kanyang out of this world adventure sa Alien Surf Girls, Lunes hanggang Biyernes, simula March 6, 9:40 am sa GMA! 

MORE ON 'ALIEN SURF GIRLS':

Out of this world ang adventures sa 'Alien Surf Girls'

Alien Surf Girls: May bibisita sa Earth ngayong summer!