TV

Zoey, competitive daredevil sa 'Alien Surf Girls'

 

 

Isang matalinong dalagita mula sa planetang Lumina si Zoey. Pero minsan ay padalusdalos siya sa paggawa ng desisyon.
 
Kaya naman kasama ang kanyang kaibigang si Nikki, lihim nilang lilisanin ang kanilang planeta para tumungo ng Earth.

 

Mapapadpad sila sa maliit na bayan ng Lightning Point kung saan madidiskubre ni Zoey ang hilig niya sa surfing.

Matapos maglibang sa tubig at mga alon, babalik na ang dalawa sa kanilang spaceship para bumalik sa sarili nilang planeta. Kaya lang, magkakaroon ng ?aberya ang pag-uwi nina Zoey at Nikki sa Lumina kaya kakailanganin nilang manatili sa Earth!

Habang naghahanap ng paraaan para makabalik sa kanilang planeta, ie-enjoy ni Zoey ang pananatili niya dito sa pamamagitan ng pag-devote ng kanyang oras sa surfing. 

Dahil likas siyang competitive, hindi niya alintana ang panganib ng malalaking mga alon. Mapapansin naman siya ni Brandon Benedict, ang surf star ng Lightning Point, salamat sa kanyang surfing skills.

Hindi naman magugustuhan ng girlfriend ni Brandon na si Madison ang pagkakaibigan na mabubuo sa pagitan nina Zoey at Brandon. Siya ang magiging unang kaaway ni Zoey sa Earth! 

Hindi lang si Madison ang magiging problema ni Zoey habang nasa mundo ng mga tao. Kailangan niyang matutong pigilan at itago ang kanyang mga powers hanggang mahanap nila ni Nikki ang paraan para bumalik sa Lumina.

Si Lucy Fry ang gaganap bilang Zoey. Minsan na siyang napanood sa isa pang GMA teen fantasy series na ?Mako Mermaids. 

Abangan siyang muli sa Alien Surf Girls, Lunes hanggang Biyernes, simula March 6, 9:40 am sa GMA! 

MORE ON 'ALIEN SURF GIRLS':

Out of this world ang adventures sa 'Alien Surf Girls'

Alien Surf Girls: May bibisita sa Earth ngayong summer!