TV

WATCH: Rocco Nacino, pinopormahan na ba si Sanya Lopez?

By AL KENDRICK NOGUERA

Hindi maikukubli ang chemistry nina Kapuso stars Sanya Lopez at Rocco Nacino sa Encantadia. Dahil parehong single ang dalawa, marami ang nagtatanong kung maaari ba silang mahulog sa isa't isa.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, tila nagpakita si Rocco ng senyales na gusto niya si Sanya. "Isa si Sanya sa mga nakakapagpa-smile sa 'kin ngayon. And talagang na-e-enjoy ko 'yung company niya," anang aktor.

Ayon naman kay Sanya, hindi niya sinasara ang kanyang pintuan kay Rocco. "Kung ano man ang mangyari [sa 'min], I'm open sa lahat," pahayag niya. Matapos ang kanyang statement ay humirit si Rocco, "Promise?"

Panoorin ang reaskyon ni Sanya sa sinabi ni Rocco sa kabuuan ng 24 Oras report.


Kamakailan lamang ay nagdaos ng isang thanksgiving party sina Rocco at Sanya para sa kanilang fans.

IN PHOTOS: Rocco Nacino and Sanya Lopez’ fans get together

MORE ON ROCCO NACINO AND SANYA LOPEZ:

#EncaTweetSerye: Sanya Lopez at Rocco Nacino, nagkakamabutihan sa Twitter?

IN PHOTOS: Sanya Lopez and Rocco Nacino on the Playlist

WATCH: Sanya Lopez at Rocco Nacino, binigyan ng Valentine's Day date nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa 'Idol sa Kusina'

Photos by: @nacinorocco(IG)