TV

'Scarlet Heart,' ngayong March 27 na pagkatapos ng 'Meant To Be'

By GIA ALLANA SORIANO

 

 

Ang problemadong si Alexa (IU) ay bigla na lang nabigyan ng isa pang pagkakataon sa buhay. Sa pagsagip niya sa isang batang muntik na malunod, isang miracle ang naganap sa ilalim ng isang total solar eclipse: si Alexa from the 21st century ay napunta sa katawan ni Haesoo (IU) from the year 941.

Dito ay makikilala niya ang walong magkakapatid sa Goryeo: ang kinakatakutang si 4th Prince Wang So (Lee Jun Ki), ang mabait na si 8th Prince Wang Wook (Kang Ha Neul) na tutulong kay Haesoo, si 3rd Prince Wang Yo (Hong Jong Hyun) na mataas ang ambisyon maging susunod na hari, ang parang bata na si 10th Prince Wang Eun (Baekhyun), si 13th Prince Baek Ah (Nam Joo Hyuk) na mahilig sa sining at musika, ang bunso nilang magaling sa pakikipaglaban na si 14th Prince Wang Jeong (Ji Soo), si 9th Prince Wang Won (Yoon Sun Woo) na questionable ang loyalty, at ang second-in-line sa trono na si Crown Prince Wang Moo (Kim San Ho).

Sa pagdating ba ni Haesoo sa buhay nila ay mababago pa niya ang trahedyang naghihintay sa kapalaran ng mga prinsipe? Sino-sino ang maglalaban para sa trono at para sa puso ni Haesoo?

Abangan sa Scarlet Heart sa GMA Heart of Asia. Ngayong March 27 na, pagkatapos ng Meant To Be.