TV

WATCH: 'Ika-6 Na Utos' stars Sunshine Dizon at Ryza Cenon, na-bag raid!

By BEA RODRIGUEZ


Hinahampas-hampas lang nina Emma at Georgia ng Ika-6 Na Utos sa isa’t isa ang kanilang mga bags sa serye ngunit ang mga gumaganap na Kapuso stars na sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon ay ingat na ingat sa kanilang mga bag essentials sa totoong buhay.

Sumalang kaninang umaga (March 31) sa Unang Hirit ang stars ng hit GMA Afternoon Prime soap para ipakita sa atin ang laman ng kanilang mga bag.

Napaka-organize ni Sunshine sa kanyang mga papeles at hygienic, lalong lalo na pagkatapos humawak ng pera.

“Half ng life ko” ang turing naman ni Ryza sa kanyang bag, “Hindi ko kayang mawala sa akin kasi lahat ng kailangan ko [ay] nandito.”

Ayon sa dalaga “magulo” raw ang laman ng kanyang bag na puno ng mga sari-saring gamit na kailangan niya bago lumabas ng bahay.

May good news pa sina Emma at Georgia dahil simula ngayong Abril ay anim na araw nang mapapanood ang Ika-6 Na Utos sa telebisyon.


MORE ON 'IKA-6 NA UTOS':

WATCH: What you’ve missed from the March 30 episode of ‘Ika-6 Na Utos’ 

READ: BF ni Ryza Cenon at GF ni Mike Tan, suportado ang kanilang roles sa ‘Ika-6 Na Utos’ 

WATCH: Gusto niyo bang mahuli kung si babe ay may no. 2?