TV

Eugene Domingo, ipinagdasal daw na makasama si Edu Manzano sa pagbabalik ng 'Celebrity Bluff'

By CHERRY SUN

Talagang pina-level up ang pagbabalik ng Celebrity Bluff lalo na at makakasama na sa programa si Edu Manzano. Ani Eugene Domingo, ipinagdasal daw niya na makatrabaho ang batikang actor-host sa original Kapuso comedy game show.

Wika niya, “Ipinagdasal ko na sana tanggapin niya. So, na-flatter talaga ako nung pumayag si Mr. Edu Manzano. It’s like, it’s unbelievable that one day dadating sa buhay mo ‘yung hinahangaan mo, makakatrabaho mo. Can you imagine that? So kung nangyari sa akin ‘yung ganitong pangarap ko na natupad, it’s #HopeToAll.”

Kaabang-abang daw sa pagbabalik ng Celebrity Bluff ang pagiging special bluffer ni Edu na talagang tinuturing ni Eugene na isa sa mga pinakamahusay na game show master.

“Kasi para sa akin, ‘yung respeto ko kay Edu Manzano pagdating sa pag-host ng game show, pinakamataas kasi kumpleto ‘yung experience niya. So, I’m very, very excited. I know I’m going to have a really enjoyable time because his sense of humor is really crazy, and he’s very intelligent,” patuloy niya.

May bago mang handog, panigurado pa rin ni Eugene may mga hindi magbabago sa kanyang programa.

Wika ng host, “Lahat ng sasali sa Celebrity Bluff, mararamdaman nila ‘yung excitement namin. Lahat ng manonood, mararamdaman nila ‘yung excitement namin because this is the same, and at the same time, it’s new.”

“Ibig sabihin, ‘di  ba they always rely on the fun and the crazy things that happen on the show, it’s still like that. Boobay is still here, and we always have gwapo or magagandang guests, and players that are really serious and fun pagdating sa panalo na half a million pesos (Php500,000). So everything is the same, and more. Parang the new and improved. And di namin pababayaan ‘yung parang nakasanayan nila na parang naglalaro lang kami tapos kasama kayo,” pangako ni Eugene.