TV

WATCH: Gerald Santos shares experience auditioning for Thuy role in Miss Saigon UK tour

By ANN CHARMAINE AQUINO

Isa na ngayon sa mga ipinagmamalaking Pinoy performers si Gerald Santos. Ito ay matapos niyang masungkit ang role ni Thuy sa musicale na Miss Saigon U.K. tour.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Gerald ang kanyang mga pinagdaanan bago niya nakuha ang inaasam na role.

"First round of auditions, I was surprised na maganda po 'yung reaksyon nila agad sa akin. 'Yung casting director that time sabi niya, 'It was pretty good. You're done, Gerald,' sabi niya. Tapos 'yun na, nabigyan na ako ng call back slip."

Ayon kay Gerald, naiiba ang kanyang inihandang audition piece. "'Yung song ni Thuy, 'yung Kim's Nightmare. 'Yung isa sa mga solos ni Thuy. Usually kasi, ang pinang-audition kapag male, Why, God, Why? or 'yung kanta ni Engineer, American Dream. 

December 23, 2016 nang dumating ang magandang balita kay Gerald.

"I'm preparing right now. I'm into classical voice lessons. Meron na rin po akong ticket to London. I'll be leaving on May 6."

Bukod kay Gerald, isang world class Filipino performer rin ang napabilang sa Miss Saigon U.K. Tour - ang Filipino theater actor na si Red Concepcion na gaganap naman bilang Engineer. 

MORE ON GERALD SANTOS: 

Gerald Santos joins cast of the Miss Saigon UK Tour

Ilang celebrities, kasama sa mga nag-audition para sa 'Miss Saigon'

Photos by: @thegeraldsantos(IG)