TV

Narito na ang mga bagong kakampi sa 'Aliados'

By MARAH RUIZ

 

 

Ang mga taong matindi ang kalungkutan at napariwara, sa ibang dimensiyon pa makakahanap ng karamay!

Sina Noah, Azul, Maia, Manuel, Franco at Valentin ay mga taong naligaw ng landas. Tila patapon ang kanilang mga buhay kaya wala nang may gusto pang pagtuunan sila ng pansin. 

Sino ang mag-aakalang sila pa ang mapipiling tulungan ng mga Beings of Light?

Misyon nina Ian, Venecia, Inti, Ambar, Luz, Devi at Gopal—mga nilalang mula sa iba't ibang mga mundo—ang tulungan ang mga taong ito.

Kung magawa nilang mabago ang mga ito, mabibigyan ng bagong pag-asa ang mga tao at ang planetang Earth.

Pero hindi ito magiging madali. Paano nga ba maging kaibigan sa mga taong tumigas na ang puso?

Ang Aliados ay isang teen fantasy series mula sa Argentina. Abangan ito, Lunes hanggang Biyernes, simula May 1 sa GMA FantaSeries.